Author: Nestor Cobe Jr.
Maligayang buwan ng wikang Pambansa 2023
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.Mahigit isang daang taon na mula ng sinabi ni Rizal ito, ngunit may saysay pa rin ang kanyang sikat na kasabihan hanggang ngayon.
Kamakailan lang ay idinaos ng Immanuel Adventist Academy ang pagdiriwang sa taunang Buwan ng Wikang Pambansa noong Agosto 29, 2023, bilang pag-alala at pagpapahalaga sa ating wikang pambansa.
Gaano ngaba kahalaga ang Wika? Mahalaga ang Paggamit ng Wika sa Pang-araw-araw na Buhay ng mga Pilipino. Filipino, Ingles, Bisaya, at Ilokano, ito’y ilan lamang sa mga halimbawa ng mga wika na ginagamit sa Pilipinas. Bakit nga ba tayo gumagamit ng wika at ano ang kahalagahan nito sa ating pang-araw-araw na buhay? Ang wika ay mahalaga dahil ito ay ang pangunahing instrumento sa komunikasyon.
Gaano ba kahalaga ang paggamit natin sa sariling wika? Ito ang ating ginagamit sa pakikipag-usap sa ibang tao. Sa pakikipag-komunika sa iba, nailalahad natin ang mga gusto nating sabihin. Naipapahayag natin ang ating mga saloobin at mga nararamdaman gamit ang wika.At lalong lalo na naipakita natin ang tunay na tatak nating mga pilipino tungo sa kultura, paniniwala at ayon narin sa ating pananalita.
Ang wikang Pambansang Pilipinas ay Filipino… patuloy na nililinang at pinauunlad salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika (Art.XIV, Sek. 6, Konstitusyon 1987). Isa ring wikang opisyal ang Filipino ng pamahalaan. Nagsisilbi rin itong pambansang lingua franca ng lahat ng mga Pilipino. Ngunit liban sa pagiging asignatura ng Filipino at wika sa pananaliksik na ginagawa ng mga nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino, hindi masyadong napagtutuunan ng pansin at pagpapahalaga ang Filipino bilang wika ng karunungan at wika ng pananaliksik sa lahat ng antas ngpag-aaral.
Sa katunayan, patuloy ang pakikipaglaban ng mga taliba ng wikang Filipino upang mapanatili ito bilang asignatura sa kolehiyo. Reaksyon ito ngmaraming nagmamalasakit sa wikang Filipino sa bagong GE kurikulum ngKomisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon na nagmamaliit sa wikang Filipinobilang wika ng karunungan at wika ng pananaliksik.
Dahil dito, malamang namagkatotoo ang hula ni Almario (2006)… mauulit muli ang pagdarahop ng napagyayamang kaalaman bunga ng gamit ng wikang sarili at babalik muli saantas ng kamangmangan dulot ng kawalan ng kakayahang magpahayag at matutosa sariling wika.
Sa edukasyong kolonyal maisisisi ang hanggang-ngayong pagdududa sa kakayahan ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan at wika ngpananalikisik. Ito ay sa kabila ng pagtuturo ni Padre Roque Ferriols ng Pilosopiyasa Filipino at ng pagsasalin sa Filipino ni Hukom Cesar Peralejo ng Kodigo Sibil at Kodigo Penal. Maalalang lumikha rin ng diksyunaryo sa kemika si Dr. Bienvenido Miranda at Medisina si Dr. Jose Reyes Sytanco.
May libro sa Ekonomiks si Dr.Tereso Tullao,, Jr. May mga artikulong pang- Medisina rin si Dr. Luis Gatmaitan saFilipino. Itinuro naman ni Dr. Judith Aldaba ang Matematika sa Filipino. Hindi na dapat pang pinagdududahan ang potensyal ng wikang filipino bilang wika ng karunungan at ang likas na kakayahan ng Filipino bilang daluyan ng mga bagong tuklas na kaalaman sa mga pananaliksik panlipunan. Kung kaya, panahon naupang kilalanin at pahalagahan ang wikang Filipino bilang wika ng karunungan.
Matagal na ginagamit ng mga Pilipino ang wikang dayuhan bilang pambansang wika, at nakita ng mga Pilipino na panahon na para sa pagbabago. Kailangan ng bansa na mahalin ang sariling wika, at magkaroon ng wikang katutubo bilang pambansang wika. Noong Nobyembre 13, 1936, inaprubahan ng unang Pambansang Asamblea ng Philippine Commonwealth ang Commonwealth Act No. 184.
Lumikha ang batas na ito ng Institute of National Language (kalaunan ang Surián ng Wikang Pambansâ o SWP) at inaatasan ito sa paggawa ng isang pag-aaral at pagsisiyasat sa bawat umiiral na katutubong wika, na umaasang pipiliin kung alin ang magiging batayan para sa isang pamantayang pambansang wika.
Nang maglaon, nagtalaga si dating Pangulong Manuel L. Quezon ng mga kinatawan para sa bawat pangunahing wikang panrehiyon upang mabuo ang NLI.
Bakit ang wika ay kailangan pahalagahan? Dahil ang wikang filipino ay sumasalamin sa ating kutura at pagkakilanlan. Kung isang bansa na may sariling wika ito'y nangangahulugang malaya. Ang wika ang maituturing na tagapagbuklod ng isang bansa. Paano tayo magkakaisa kung sa wika tayo'y iba-iba.
Ayon pa sa kataga, "Aanhin mo pa talino mo kung wikang Filipino di mo kabisado maigi pang magingmangmang kaysa maging matalinong utal.
Pagkakaisa't mithiin ay mapapasaatin kung iisang wika ang ating gagamitin. Kong ipinagmamalaki mong ikaw ay pilipino gamitin ang wika ng bayan mo. Tayo man ay magkakaiba ng kultura at paniniwala pagkaisahin natin ang mga pilipino tungo sa wika.
# Pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba.
# Ipagmalaki mong ikaw ay pilipino sa puso, sa salita, at sa gawa gamit ang sariling wika.
# Muli maligayang buwan ng wikang pambansa sa ating lahat.